"Ano nga ba ang suliranin na dinaranas ng ating agrikultura ngayon? Paano ito malulutas? Ano ang mga paraan para masugpo ang suliranin na ito?"
Una, Kakulangan sa imprastruktura at puhunan. Pangalawa, Pagdagsa ng dayuhang produkto. Pangatlo, mababang presyo ng produktong agrikultura. Pangapat, kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolohiya. Panglima, Implementasyon ng tunay na reporma sa lupa. Panganim, Paglaganap ng sakit at peste.
Ano ang mga solusyon sa suliranin na ito?
Ito ay ang pagtupad ng gobyerno sa mga pangako nito sa mga manggagawa. Ang pagtupad sa mga reporma sa lupa. Susunod ay ang pagtakda ng tamang presyo sa mga produktong agrikultural. Isa pa ay ang, pag bibigay impormasyon at pagtuturo sa suliranin ng magsasaka ukol sa paggamit ng mga makabagong kagamitan. Siguro rin ay paghigpit sa mga produktong dayuhan na pumapasok sa bansa. At ang panghuli na maaring solusyon sa mga suliranin na mga ito ay pagtatag ng mga kooperatiba at bangko rural na magpapautang sa mga magsasaka at mangingisda.
Kung lahat rin tayo ay magtutulungan at magkakaisa para sa kinabukasan nating lahat, maisasakatuparan natin lahat ng plano. Huwag lagi tayo aasa sa gobyerno sa plano nila, kungdi ay gumawa at kumilos din tayo para sa sarili natin. magsumikap at magsipag. Iyon ang pinakamagandang solusyon sa mga suliranin na hinaharap ng ating bansa sa usapang Agrikultura.
done... :) i told u that don't rely on your book look for the articles that was written in the news paper that tackles the problem of agriculture..
TumugonBurahin