Biyernes, Pebrero 1, 2013

Nakpil


Lahat ng mga tao ay nagtatarabaho para maiahon ang pamilya sa kahirapan. ngunit hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng karapatan para makuha ang perang dapat ay nakukuha nila. minsan ang mga manggagawa ay minamaliit at inaabuso. Hindi nila napapansin ang paghihirap nila para lang makuha ng sapat na sweldo para maibigay ang pangangailangan ng kanilang pamilya sa araw araw.


 kaya ang blog na ito ay tungkol sa hindi makatarungan na pagbibigay ng buwis sa ibang magsasaka. May iba na kakaunti lang talaga ang sweldo nila at hindi ito sapat para makuha nila ang kanilang pang araw araw na pangangailangan sa buhay. Dapat ang gobyerno ay may ginagawa para dito. Dapat tulungan nilang makamit ang magsasaka ang bagay at pera na dapat sa kanila. Suklian natin ang kanilang paghihirap para lang makakain ang ibang tao, kung wala sila, wala rin tayong makakain na pagkain sa hapag kaninan natin. Huwag lang natin sila balewalain dahil ang trabaho nila ay hindi basta basta. Dugo at pawis ang inaalay nila. Dapat, nakukuha nila ang sapat na sweldo na para sa kanila. Tignan na lang natin ang kanilang paghihirap. Alam naman natin na nararapat nilang matanggap iyon. May pamilya silang binubuhay, isa-isip natin iyon.


kaya dahil sa ganoong "experience" dapat marunong rin tayo lumaban lalo na't kung alam nating nasa tama tayo. Ipaglaban dapat nila ang karapatan na mayroon sila. Ang pera na dapat natatanggap nila kapalit ng sobrang paghihirap nila sa kanilang trabaho. Hindi natin dapat sila "idescriminate" dahil lahat tayo ay nagtatrabaho upang mabuhay. Kaya dapat gumawa ng paraan ang gobyerno para dito. 



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento