Ha? Nagresign ang
pope? Ano ang nagging dahilan niya? Maaari palang magresign ang pope?
Makatwiran ba ang naging dahilan ng pope para iwanan ang panunungkulan niya
bilang pope? Ito ang aking reaksyon.Para sa akin, nagulat
ako noong nalaman ko na nagresign ang pope. Nagtanong ako kung maaari ba iyon.
Nanood ako ng “The Bottom line” ni Boy Abunda para malaman pa ito. Ang naging
dahilan ng ating pope ay katandaan at kahinaan. Matatanggap na rin iyon.
Siguro, alam niyang hindi na niya magagawa ang kanyang mga tungkulin kaya mas
minabuti na lamang niya na magresign at bitawan ang kanyang posisyon. Buong
mundo ay nagulat sa kanyang ginawa. Ngunit, totoo kaya na ang 112 pope natin ay
“pope of the darkness”? natatakot ako. At baka raw ay ito na talaga ang
senyales na magugunaw na daw ang mundo. Kung ako naman ang tatanungin, takot
lang ako pero alam ko namang hindi tayo pababayaan ng Diyos. Mawalan man tayo
ng pope, kung nasakanya parin ang paniniwala at ang pananalig natin ay malakas
parin, lagi lang siya nandyan para sa atin.
May mga bagay talaga
na sadyang mahirap ipaliwanag. Pero may plano ang Diyos para sa atin. Tayo
parin ang may hawak ng buhay natin. Ang lipunan natin ay hindi matitinag kung
lahat tayo ay matutulungan at patuloy na mananalig sa Diyos, mayroon o wala
mang pope.
Ano ang mayroon sa
People Pwer Day? Alam ba ito ng lahat ng Pilipino? Binibgyan ba ng mga Pilipino ng importansya ang araw na
ito o ipinangwawalang bahala na lang ito ng iba dahil Malaya naman na tayo? Ang
nasa blog na ito ay ang aking reaksyon tungkol sa People Power Day.
Noong nangyari ang
People Power Day na iyon, ay hindi pa ako buhay. Wala pa akong kamalay malay.
Ngunit, dahil sa pinag-aralan naming ito ay takagang huanga ako sa mga tao at
kay Corry Aquino. Ito ay para ipaglaban ang ating kalayan na mayroon tayo
ngayon. Kaya dapat ang araw na ito ay hindi makakalimutan, dahil ito ang araw
na lumaya ang mga Pilipino sa mga mananakop n gating bansa. Hindi man ako buhay
ng mga araw na iyon, pero kung ako ay nandun ay magpapasalamat ako at iingatan
ko ang kalayaan na mayroon tayo. Hindi lang iingatan kundi ay pahahalagahan ko
at gagamitin ko sa tamang paraan. Ito ay dahil alam natin ang iba ay ginagamit
sa masama ang kalayaan na dapat naman hindi. Huwag nating kalimutan na maraming
bayani ang namatay para sa kalayaan natin. Huwag natin ipagwalang bahala ang
ating kalayaan na natatamasa ngayon. Maging responsable tayo sa bawat aksyon na
gagawin natin. At pinakamahalaga sa lahat ay mahalin natin ang bayan natin.
Kaya huwag maging
dayuhan sa sariling bayan. Kung ang iba ay may “colonial mentality” dapat tayo
ay maiba. Maging kontento tayo sa kung ano man ang binigay ng Diyos sa atin,
dahil ang di natin alam ay sobra sobra sa yaman an gating bansa. At ito ang
bagay na maaari natin ipagmalaki nawalang katulad sa ibang bansa.