Biyernes, Marso 1, 2013

Edsa People Power Day – February 25


Ano ang mayroon sa People Pwer Day? Alam ba ito ng lahat ng Pilipino? Binibgyan ba  ng mga Pilipino ng importansya ang araw na ito o ipinangwawalang bahala na lang ito ng iba dahil Malaya naman na tayo? Ang nasa blog na ito ay ang aking reaksyon tungkol sa People Power Day.
Noong nangyari ang People Power Day na iyon, ay hindi pa ako buhay. Wala pa akong kamalay malay. Ngunit, dahil sa pinag-aralan naming ito ay takagang huanga ako sa mga tao at kay Corry Aquino. Ito ay para ipaglaban ang ating kalayan na mayroon tayo ngayon. Kaya dapat ang araw na ito ay hindi makakalimutan, dahil ito ang araw na lumaya ang mga Pilipino sa mga mananakop n gating bansa. Hindi man ako buhay ng mga araw na iyon, pero kung ako ay nandun ay magpapasalamat ako at iingatan ko ang kalayaan na mayroon tayo. Hindi lang iingatan kundi ay pahahalagahan ko at gagamitin ko sa tamang paraan. Ito ay dahil alam natin ang iba ay ginagamit sa masama ang kalayaan na dapat naman hindi. Huwag nating kalimutan na maraming bayani ang namatay para sa kalayaan natin. Huwag natin ipagwalang bahala ang ating kalayaan na natatamasa ngayon. Maging responsable tayo sa bawat aksyon na gagawin natin. At pinakamahalaga sa lahat ay mahalin natin ang bayan natin.
Kaya huwag maging dayuhan sa sariling bayan. Kung ang iba ay may “colonial mentality” dapat tayo ay maiba. Maging kontento tayo sa kung ano man ang binigay ng Diyos sa atin, dahil ang di natin alam ay sobra sobra sa yaman an gating bansa. At ito ang bagay na maaari natin ipagmalaki nawalang katulad sa ibang bansa. 

1 komento: