Biyernes, Marso 1, 2013

RESIGN NA AKO! – Pope Benedict



Ha? Nagresign ang pope? Ano ang nagging dahilan niya? Maaari palang magresign ang pope? Makatwiran ba ang naging dahilan ng pope para iwanan ang panunungkulan niya bilang pope? Ito ang aking reaksyon.Para sa akin, nagulat ako noong nalaman ko na nagresign ang pope. Nagtanong ako kung maaari ba iyon.
Nanood ako ng “The Bottom line” ni Boy Abunda para malaman pa ito. Ang naging dahilan ng ating pope ay katandaan at kahinaan. Matatanggap na rin iyon. Siguro, alam niyang hindi na niya magagawa ang kanyang mga tungkulin kaya mas minabuti na lamang niya na magresign at bitawan ang kanyang posisyon. Buong mundo ay nagulat sa kanyang ginawa. Ngunit, totoo kaya na ang 112 pope natin ay “pope of the darkness”? natatakot ako. At baka raw ay ito na talaga ang senyales na magugunaw na daw ang mundo. Kung ako naman ang tatanungin, takot lang ako pero alam ko namang hindi tayo pababayaan ng Diyos. Mawalan man tayo ng pope, kung nasakanya parin ang paniniwala at ang pananalig natin ay malakas parin, lagi lang siya nandyan para sa atin.
May mga bagay talaga na sadyang mahirap ipaliwanag. Pero may plano ang Diyos para sa atin. Tayo parin ang may hawak ng buhay natin. Ang lipunan natin ay hindi matitinag kung lahat tayo ay matutulungan at patuloy na mananalig sa Diyos, mayroon o wala mang pope.

2 komento: