Halalan 2013
Malapit na ang halalan. ngunit, alam na ba ng taong bayan kung sino ang karapat-dapat na iluklok sa mataas na posisyon? May kakayahan ba siya na maituwid ang daan ng mga Pilipino tungo sa tamang landas? Matutupad kaya ang mga pangako nila sa bayan na sinasabi nila sa taong bayan? Ating tukuyin at alamin ang mga dahilan!
Ako, bilang isang mag-aaral, dapat alamin ng taong bayan ang tama lalo na't nalalapit na ang eleksyon. Kailangan natin magisip ng mabuti rito dahil hindi lang ito basta basta. May mga politiko na hanggang salita lamang. Ngunit, ito ay nasa gawa rin. May mga plano sila sa bansa natin. Marami silang pangako. Sa mga political campaign nila ay sinasabi nila ang mga plano nila. Ngunit, hindi dapat tumigil doon. dapat may gagawin rin silang paraan para maisakatuparan ang lahat ng plano nila. Alamin natin ng mabuti kung sila ba ay may kakayahan na maging karapat dapat iluklok sa pwesto. Sila ang pag-asa natin tungo sa magandang kinabukasan ng ating bansa at ng bawat isa sa atin.
Maging matalino sa pag boboto. huwag mandaya, at huwag hayaan na may mandaya. Panahon naatin na maging isang mabuting mamamayan ng ating bansa. Dito lahat mag-uumpisa. Ang pagbabago na gustong gusto nating matamasa ay nasa kamay nila. kaya maging isang matalino, at maingat na mamamayanan ng ating bansa.
2 n lang kulang mo clarise..keep it up.. :)
TumugonBurahin