Miyerkules, Pebrero 20, 2013

Halalan 2013


Malapit na ang halalan. ngunit, alam na ba ng taong bayan kung sino ang karapat-dapat na iluklok sa mataas na posisyon? May kakayahan ba siya na maituwid ang daan ng mga Pilipino tungo sa tamang landas? Matutupad kaya ang mga pangako nila sa bayan na sinasabi nila sa taong bayan? Ating tukuyin at alamin ang mga dahilan!

Ako, bilang isang mag-aaral, dapat alamin ng taong bayan ang tama lalo na't nalalapit na ang eleksyon. Kailangan natin magisip ng mabuti rito dahil hindi lang ito basta basta. May mga politiko na hanggang salita lamang. Ngunit, ito ay nasa gawa rin. May mga plano sila sa bansa natin. Marami silang pangako. Sa mga political campaign nila ay sinasabi nila ang mga plano nila. Ngunit, hindi dapat tumigil doon. dapat may gagawin rin silang paraan para maisakatuparan ang lahat ng plano nila. Alamin natin ng mabuti kung sila ba ay may kakayahan na maging karapat dapat iluklok sa pwesto. Sila ang pag-asa natin tungo sa magandang kinabukasan ng ating bansa at ng bawat isa sa atin.


Maging matalino sa pag boboto. huwag mandaya, at huwag hayaan na may mandaya. Panahon naatin na maging isang mabuting mamamayan ng ating bansa. Dito lahat mag-uumpisa. Ang pagbabago na gustong gusto nating matamasa ay nasa kamay nila. kaya maging isang matalino, at maingat na mamamayanan ng ating bansa.

Lunes, Pebrero 11, 2013

Pagsasapribado?


Ano nga ba ang pagsasapribado? Mas maganda ba ang magiging serbisyo nito kaysa sa pampubliko? Anu-ano ang mga benipisyo nito sa mga tao? 



May napanuod ako na balita na ang ibang ospital na pampubliko sa bansa natin ay isasapribado na. Ngunit ako’y napaisip, ano nga ba ang maganda sa pagpribado nito? Siguro, ito ay dahil mas matututukan ng humahawak nito ang mga dapat gawin at responsibilidad nila sa mga mamamayan. Siguro kung ito ay pampubliko ay mas magulo at mabagal ang nagiging serbisyo. Isa rin sa nakita ko ay, ang ibang pampublikong ay marumi, magulo at di maayos ang pamamahala. Di tulad pag pribado, maayos malinis, at maganda ang serbisyo. Iyon siguro ang dahilan kaya nila gusto isapribado ang mga ospital na iyon, para mas maganda ang magiging serbisyo nila sa mga mamamayan. Nung narinig ko iyong balita na iyon at nalaman ang mga magiging magandang dulot nito sa mga tao ay natuwa ako. Sabi rin sa balita na, hindi naman sila mapapamahal kahit na ang ospital na iyon ay pribado na, ngunit ang hangad naman nila ay mas magandang serbisyo pa para sa lahat.

Kaya tayo bilang mamamayan, huwag tayo basta basta na nagiisip ng kung anu-ano. Isipin natin muna ng mabuti kung ito ba’y may mabuti o masamang dulot sa atin. Ang gobyerno natin ay walang ginagawa kundi mapabuti ang mga mamamayan nito. Hindi nila pababayaan an gating bansa. Ito ay dahil lahat naman tayo ditto ay gusting umasenso at umangat sa buhay. 

Ang Proteksyon ng manggagawa


Ang kaligtasan ng bawat isa sa atin ay importante. Pati na rin ang malusog na pangagatawan at magandang kalusugan. Anu-ano nga ba ang mga karapatan ng manggagawa na naniniguro sa kanilang kaligtasan at kalusugan? May ginagawa ba ang mga kompanya na humahawak sa mga mangagawa upang makamtan ito ng mga mangagawa? Nasusunod ba ito? Ating alamin!

Sa panahon ngayon, mahirap ang buhay. Mapalalaki man o mapababae, naghahanap buhay na upang makaahon sa kahirapan na nadarama nila sa buhay. Ang iba ay kahit makakuba kuba na ay nagtatrabaho pa rin para maibigay ang mga araw-araw na pangangailangan ng pamilya niya. Ngunit dapat para magawa natin ito, kailangan alam nating ligtas tayo sa pinagtatrabahuan natin. Kaya may mga alintuntunin na sinusunod sa pagtatrabaho. May mga karapatan ang mga mangagawa na dapat masunod. Tulad ng Isang araw nap anhinga para sa kanila. Hindi naman siguro pwede na buong linggo ay magtatrabaho lang sila. Siyempre, dapat may araw rin na para makapagpahinga sila. Isa pang karapatan ng manggagawa ay kung ito ay naaksidente habang may ginagawa siya sa loob o para sa kompanya, dapat ang pagpapagamot niya ay sagot at responsibilidad ito ng kompanya. Dapat may oras rin ng pag pasok at paguwi ang mga manggagawa lalo na pag ito’y babae. May mga Maternal at Paternal leave para sa babaeng buntis at ang lalaki na may asawang buntis. Iilan lamang iyan sa mga karapatan ng manggagawa natin dito sa bansa.


Kaya naman, huwag tayo magpaabuso. Kahit gusto nating makaahon sa kahirapan sa buhay, huwag din natin abusuhin ang kalusugan at kaligtasan natin. Mas maganda parin kung magiingat tayo para mas kikita pa tayo at mas matagal natin makakasama ang pamilya natin. Alalahanin natin ang mga karapatan natin upang hindi tayo naaabuso. Maging matalino sa mga gagawing desisyon, at maging maingat.



Biyernes, Pebrero 1, 2013

Nakpil


Lahat ng mga tao ay nagtatarabaho para maiahon ang pamilya sa kahirapan. ngunit hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng karapatan para makuha ang perang dapat ay nakukuha nila. minsan ang mga manggagawa ay minamaliit at inaabuso. Hindi nila napapansin ang paghihirap nila para lang makuha ng sapat na sweldo para maibigay ang pangangailangan ng kanilang pamilya sa araw araw.


 kaya ang blog na ito ay tungkol sa hindi makatarungan na pagbibigay ng buwis sa ibang magsasaka. May iba na kakaunti lang talaga ang sweldo nila at hindi ito sapat para makuha nila ang kanilang pang araw araw na pangangailangan sa buhay. Dapat ang gobyerno ay may ginagawa para dito. Dapat tulungan nilang makamit ang magsasaka ang bagay at pera na dapat sa kanila. Suklian natin ang kanilang paghihirap para lang makakain ang ibang tao, kung wala sila, wala rin tayong makakain na pagkain sa hapag kaninan natin. Huwag lang natin sila balewalain dahil ang trabaho nila ay hindi basta basta. Dugo at pawis ang inaalay nila. Dapat, nakukuha nila ang sapat na sweldo na para sa kanila. Tignan na lang natin ang kanilang paghihirap. Alam naman natin na nararapat nilang matanggap iyon. May pamilya silang binubuhay, isa-isip natin iyon.


kaya dahil sa ganoong "experience" dapat marunong rin tayo lumaban lalo na't kung alam nating nasa tama tayo. Ipaglaban dapat nila ang karapatan na mayroon sila. Ang pera na dapat natatanggap nila kapalit ng sobrang paghihirap nila sa kanilang trabaho. Hindi natin dapat sila "idescriminate" dahil lahat tayo ay nagtatrabaho upang mabuhay. Kaya dapat gumawa ng paraan ang gobyerno para dito.