Lunes, Pebrero 11, 2013

Pagsasapribado?


Ano nga ba ang pagsasapribado? Mas maganda ba ang magiging serbisyo nito kaysa sa pampubliko? Anu-ano ang mga benipisyo nito sa mga tao? 



May napanuod ako na balita na ang ibang ospital na pampubliko sa bansa natin ay isasapribado na. Ngunit ako’y napaisip, ano nga ba ang maganda sa pagpribado nito? Siguro, ito ay dahil mas matututukan ng humahawak nito ang mga dapat gawin at responsibilidad nila sa mga mamamayan. Siguro kung ito ay pampubliko ay mas magulo at mabagal ang nagiging serbisyo. Isa rin sa nakita ko ay, ang ibang pampublikong ay marumi, magulo at di maayos ang pamamahala. Di tulad pag pribado, maayos malinis, at maganda ang serbisyo. Iyon siguro ang dahilan kaya nila gusto isapribado ang mga ospital na iyon, para mas maganda ang magiging serbisyo nila sa mga mamamayan. Nung narinig ko iyong balita na iyon at nalaman ang mga magiging magandang dulot nito sa mga tao ay natuwa ako. Sabi rin sa balita na, hindi naman sila mapapamahal kahit na ang ospital na iyon ay pribado na, ngunit ang hangad naman nila ay mas magandang serbisyo pa para sa lahat.

Kaya tayo bilang mamamayan, huwag tayo basta basta na nagiisip ng kung anu-ano. Isipin natin muna ng mabuti kung ito ba’y may mabuti o masamang dulot sa atin. Ang gobyerno natin ay walang ginagawa kundi mapabuti ang mga mamamayan nito. Hindi nila pababayaan an gating bansa. Ito ay dahil lahat naman tayo ditto ay gusting umasenso at umangat sa buhay. 

2 komento: