Ang kaligtasan ng
bawat isa sa atin ay importante. Pati na rin ang malusog na pangagatawan at
magandang kalusugan. Anu-ano nga ba ang mga karapatan ng manggagawa na
naniniguro sa kanilang kaligtasan at kalusugan? May ginagawa ba ang mga
kompanya na humahawak sa mga mangagawa upang makamtan ito ng mga mangagawa?
Nasusunod ba ito? Ating alamin!
Sa panahon ngayon,
mahirap ang buhay. Mapalalaki man o mapababae, naghahanap buhay na upang
makaahon sa kahirapan na nadarama nila sa buhay. Ang iba ay kahit makakuba kuba
na ay nagtatrabaho pa rin para maibigay ang mga araw-araw na pangangailangan ng
pamilya niya. Ngunit dapat para magawa natin ito, kailangan alam nating ligtas
tayo sa pinagtatrabahuan natin. Kaya may mga alintuntunin na sinusunod sa
pagtatrabaho. May mga karapatan ang mga mangagawa na dapat masunod. Tulad ng
Isang araw nap anhinga para sa kanila. Hindi naman siguro pwede na buong linggo
ay magtatrabaho lang sila. Siyempre, dapat may araw rin na para makapagpahinga
sila. Isa pang karapatan ng manggagawa ay kung ito ay naaksidente habang may
ginagawa siya sa loob o para sa kompanya, dapat ang pagpapagamot niya ay sagot
at responsibilidad ito ng kompanya. Dapat may oras rin ng pag pasok at paguwi
ang mga manggagawa lalo na pag ito’y babae. May mga Maternal at Paternal leave
para sa babaeng buntis at ang lalaki na may asawang buntis. Iilan lamang iyan
sa mga karapatan ng manggagawa natin dito sa bansa.
Kaya naman, huwag
tayo magpaabuso. Kahit gusto nating makaahon sa kahirapan sa buhay, huwag din
natin abusuhin ang kalusugan at kaligtasan natin. Mas maganda parin kung
magiingat tayo para mas kikita pa tayo at mas matagal natin makakasama ang
pamilya natin. Alalahanin natin ang mga karapatan natin upang hindi tayo
naaabuso. Maging matalino sa mga gagawing desisyon, at maging maingat.